Kodigo
Sistema ng alituntunin para sa paglipat ng impormasyon mula sa isang anyo papunta sa iba / From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa komunikasyon at pagproseso ng impormasyon, kodigo ang tawag sa sistema ng mga alituntunin para mailipat ang isang impormasyon (tulad ng titik, salita, tunog, larawan, o senyas) papunta sa ibang anyo o paraan, madalas pinaiksi o pasikreto, para dumaan sa komunikasyon o itago sa isang taguan ng datos. Wika ang isa sa mga pinakaunang halimbawa nito, dahil pinayagan nito ang mga tao na maikuwento nang pasalita ang mga kaganapan at karanasan sa paligid niya. Dahil sa natural na limitasyon ng pananalita, naimbento naman ang pagsusulat, na isa ring uri ng kodigong gumagamit naman ng nakikitang simbolo, gayundin ang iba pang mga katulad na paraan katulad ng semaporo.
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago . Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang kasaysayan ng mga pagbabago kung ibigin mong makipagugnayan sa tao na naglagay ng suleras na ito. Kapag hindi nagkaroon ng mga pagbabago ang artikulong ito sa loob ng ilang araw, pakitanggal na lamang ang suleras na ito. Huwag sanang lagyan ito ng tanda ng kahilingan sa pagbura maliban na lang kung hindi pa nagkakaroon ng pagbabago ang pahina sa loob ng ilang araw. |
Pagsasakodigo (Ingles: encoding) ang tawag sa proseso ng paglilipat ng impormasyon mula sa isang anyo papunta sa iba. Kabaligtaran naman nito ang pagdedekodigo (Ingles: decoding), na sumusubok naman na matukoy ang impormasyon sa paraang maiintindihan ng tumatanggap ng impormasyon.