Huambo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Huambo, dating Nova Lisboa (Ingles: New Lisbon, 1928–1975), ay ang kabisera ng lalawigan ng Huambo sa Angola. Matatagpuan ang lungsod sa layong 220 kilometro silangan ng Benguela at 600 kilometro timog-silangan ng kabiserang lungsod na Luanda. Pangalawang pinakamalaking lungsod sa Angola ang Huambo, kasunod ng Luanda. Ito ang pangunahing sentro sa Caminho de Ferro de Benguela (CFB) (ang Daambakal ng Benguela), na tumatakbo mula sa pantalang lungsod ng Lobito papuntang lalawigan ng Lualaba sa Demokratikong Republika ng Congo. Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Albano Machado (dating Paliparan ng Nova Lisboa) ang Huambo.
Agarang impormasyon Huambo Nova Lisboa (1928–1975), Bansa ...
Huambo Nova Lisboa (1928–1975) | |
---|---|
Munisipalidad at lungsod | |
Gitnang liwasan ng Huambo | |
Mga koordinado: 12°46′S 15°44′E | |
Bansa | Angola |
Lalawigan | Huambo |
Itinatag | 8 Agosto 1912; 111 taon na'ng nakalipas (1912-08-08) |
Lawak | |
• Munisipalidad at lungsod | 2,609 km2 (1,007 milya kuwadrado) |
Taas | 1,721 m (5,646 tal) |
Populasyon (Senso 2014) | |
• Munisipalidad at lungsod | 665,574 |
• Kapal | 245.5/km2 (636/milya kuwadrado) |
• Metro | 1,896,147 |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Klima | Cwb |
Isara