Lalawigan ng Muş
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lalawigan ng Muş (Turko: Muş ili), (Kurdo: Mûş) ay isang lalawigan sa silangang Turkiya. Mayroon itong sukat na 8,196 km2 at may populasyon na 406,886 sang-ayon sa taya noon 2010, na bumaba mula 453,654 noong 2000. Ang panlalawigang kabisera ay ang lungsod ng Muş. Ang isa pang bayan sa lalawigan ng Muş, ang Malazgirt (Manzikert), ay kilala sa Labanan ng Manzikert noong 1071. Ang mga Kurdo ang mayorya ng populasyon ng lalawigan.[2]
Agarang impormasyon Lalawigan ng Muş Muş ili, Bansa ...
Lalawigan ng Muş Muş ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Muş sa Turkiya | |
Mga koordinado: 39°00′02″N 41°49′38″E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Kalagitnaang Silangang Anatolia |
Subrehiyon | Van |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Muş |
Lawak | |
• Kabuuan | 8,196 km2 (3,164 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 406,501 |
• Kapal | 50/km2 (130/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0436 |
Plaka ng sasakyan | 49 |
Isara