Louise Abbéma
Pintor mula Pransiya (1853-1927) / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Louise Abbéma (30 Oktubre 1853[lower-alpha 1] – 29 Hulyo 1927)[1][3] ay isang pintor, iskultor, at tagadisenyo mula sa Pransiya. Isang lesbiyana, ang kanyang lagpas limang dekadang karera sa sining mula 1874 hanggang 1926 ay tumapat sa Belle Époque at Bagong Babae, at nakilala sa mga gawa niyang nagpopokus sa mga pang-araw-araw na eksena gayundin sa mga pagpinta niya sa larawan ng ilang sikat na personalidad ng panahon niya, kabilang na ang aktres na si Sarah Bernhardt.[2] Nakapagtanghal sya ng 45 ekhibisyon sa buong karera niya.[4] Noong 1906, ginawaran siya ng Légion d'Honneur, ang pinakamataas na parangal ng kagalingan sa Pransiya. Siya ang ikaapat na babaeng nakatanggap nito sa kasaysayan.[4]
Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Louise Abbéma | |
---|---|
Kapanganakan | Louise Catherine Léonie Abbéma[1] 30 Oktubre 1853(1853-10-30)[1] |
Kamatayan | 10 Hulyo 1927(1927-07-10) (edad 73) |
Libingan | Sementeryo ng Montparnasse, Paris, Pransiya |
Nasyonalidad | Pransiya |
Estilo | Impresyonismo[2] |
Kilusan | Belle Époque, Bagong Babae |
Pagkilala | Légion d'Honneur (1906) |
Pirma | |
Isara