Penelope Ann Miller
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Penelope Ann Miller (ipinanganak Penelope Andrea Miller; 13 Enero 1964), minsan kine-credit na Penelope Miller, ay isang Amerikanang artista. Nagsimula ang kanyang karera sa Broadway sa orihinal na produksyon noong ng Biloxi Blues at sumunod ay nakatanggap ng isang nominasyon sa Tony Award produksiyon ng Our Town noong 1989. Lumabas rin siya sa ilang pangunahing pelikulang Hollywood, partikula sa huling bahagi ng dekada 1980 at unang bahagi ng dekada 1990, kabilang ang Adventures in Babysitting (1987), Biloxi Blues (1988), Big Top Pee-wee (1988), The Freshman (1990), Awakenings (1990), Kindergarten Cop (1990), Other People's Money (1991), Year of the Comet (1992), at Carlito's Way (1993), at dito nakatanggap siya ng isang nominasyon sa Golden Globe Award . Bumalik siya sa Broadway sa orihinal na produksiyong pang-entablado noong 1995 ng On the Waterfront. Lumabas rin siya nang may panguhing papel sa mga pelikulang The Relic (1997) at tagasuportang papel sa Chaplin (1992), Along Came a Spider (2001) at The Artist (2011).
Penelope Ann Miller | |
---|---|
Kapanganakan | Penelope Andrea Miller (1964-01-13) 13 Enero 1964 (edad 60) Los Angeles, California, U.S. |
Ibang pangalan | Penelope Miller |
Trabaho | Actress |
Aktibong taon | 1985–present |
Asawa | Will Arnett (k. 1994–95) James Huggins (k. 2000) |
Anak | 2 |