Talaan ng mga lungsod sa Timog Korea
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga pinakamalaking lungsod ng Timog Korea ay may nagsasariling estadong katumbas sa mga lalawigan. Ang Seoul na pinakamalaking lungsod at kabisera, ay iniuri bilang teukbyeolsi (Special City), habang ang mga sumunod na anim na lungsod (tingnan ang talaan sa ibaba) ay inuri bilang gwangyeoksi (Metropolitan Cities). Iniuri naman bilang si ("cities") ang mga mas-maliit na lungsod, at nasa pamamahala ng mga lalawigan ang mga ito katulad ng mga kondado.