Université Panthéon-Sorbonne
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Université Panthéon-Sorbonne, na kilala rin bilang Paris 1, ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik sa Paris, Pransiya. Ito ay itinatag noong 1971 bilang isa sa mga pangunahing tagapagmana ng makasaysayang Unibersidad ng Paris (La Sorbonne), pagkatapos na mahati ang ikalawang pinakamatandang akademikong institusyon. Ito ay isa sa mga pinakamalaking pamantasan sa bansa at nananatiling isang mahalagang sentro ng pananaliksik at pagsasanay.[1]
Ang headquarters ng Pantheon-Sorbonne ay matatagpuan sa Place du Panthéon sa Latin Quarter, isang lugar sa ika-5 at ika-6 na arrondissements ng Paris. Ang university sumasakop sa bahagi ng Sorbonne at higit sa 25 mga gusali sa Paris, tulad ng Centre Pierre Mendès France at Maison des Sciences Économiques.[2] Ito ay isang tagapagtatag na miyembro ng alyansang tinatawag na Hautes Études-Sorbonne-Arts et Métiers.
Ang unibersidad ay multidisiplinaryo, at may tatlong mga pangunahing dominyo: Ekonomiya, Humanidades, at Agham Pampulitika.[3][4]