AT-X
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang AT-X (アニメシアターX, Anime Shiatā Ekkusu, lit. "Anime Theater X") ay isang pan-telebisyon na anime network na pagmamay-ari ng AT-X, Inc. (株式会社エー・ティー・エックス, Kabushiki kaisha Ē-Tī-Ekkusu) at matatagpuan sa bansang Hapon. Itinatag ang AT-X, Inc. noong 26 Hunyo 2000 bilang nasasakupan ng TV Tokyo Medianet, na kung saan ay nasasakop din ng TV Tokyo (TXN). Matatagpuan ang punong himpilan sa Minato, Tokyo. Ang AT-X ay nagsasahimpapawid ng mga anime sa pamamagitan ng satellite at cable simula pa noong 24 Disyembre 1997.
Uri | Telebisyong Bayaran |
---|---|
Bansa | |
Islogan | No. 1-ranked Anime Specialty Channel |
Headquarters | Minato, Tokyo |
Parent | TV Tokyo |
(Mga) pangunahing tauhan | Keisuke Iwata, Pangulo |
Petsa ng unang pagpapalabas | 24 Disyembre 1997 |
(Mga) Tatak pantawag | AT-X |
Kahulugan ng tatak pantawag | Anime Theater X |
Opisyal na websayt | www.at-x.com |
Ang kanilang islogan ay Wan ranku ue no anime senmon chan'neru (ワンランク上のアニメ専門チャンネル, lit. "No. 1-ranked Anime Specialty Channel").
AT-X ang laging pangunahing estasyon sa maraming adaptasyon ng Comic Gum sa anime. Ang mga palabas na Ikkitousen, Amaenaideyo!! at Fight Ippatsu! Juuden-chan! ay unang nilabas sa estasyon na ito, bago pa man ito maipalabas muli sa Tokyo Metropolitan Television (Tokyo MX).[kailangan ng sanggunian]
Bilang isang telebisyong bayaran, ito rin ay kilala sa pagpapalabas ng mga kabanatang uncensored ng iilan sa mga anime na tulad ng Fight Ippatsu! Jūden-chan!!, Amaenaideyo!!, Girls Bravo, Elfen Lied, Mahoromatic at High School DxD na kadalasan ay nagiging censored sa mga estasyon tulad ng TV Tokyo dahil sa bilang ng kahubaran at iba pang mga kadahilanan.[kailangan ng sanggunian]