Lalawigang Romano
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa sinaunang Roma. ang lalawigan (Latin: provincia, na nagiging provinciae kapag maramihan) ay ang pangunahin, pinakamalaking sakop at administratibong yunit ng pag-aaring teriyoryal sa labas ng Tangway ng Italya hanggang sa pagkabuo ng mga Tetrarkiya (sirka 296). Ang salitang province sa makabagong Ingles ay may pinagmulan sa terminong ginamit ng mga Romano.
Ang mga lalawigan ay pangkalahatang pinamumunuan ng mga politiko sa antas na Senador na kadalasa'y naging mga konsul o naging mga preator. Ang naiiba lamang ay ang lalawigan ng Ehipto na isinama n Augustus matapos ang kamatayan ni Cleopatra. Ito ay pinamunuan ng isang gobernador sa antas ng ekwestriyan, marahil bilang isang pagpapakawalang pag-asa sa ambisyon sa Senado. Kakaiba itong pamumunong ito ngunit hindi salungat sa batas ng Roma dahil ang Ehipto ay tinitingnan bilang pansariling ari-arian ni Augustus na sumusunod sa kinaugalian ng mga naunanang mga haring Helenistiko.