Mesang Bilog
Mesa mula sa Alamat ni Arthur / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bilog na Mesa ay isang mesa na ginamit ni Haring Arturo at kaniyang mga kabalyero sa mga alamat na patungkol sa kaniya. Ang Mesang Bilog ay nasa Camelot, sa loob ng kastilyong pinaninirahan ni Haring Arturo at ng kaniyang mga kabalyero. Ayon sa mga alamat, nagpupulong sila sa harap ng mesa upang talakayin ang katayuan ng kaligtasan ng Camelot at ng kaharian, at ukol na rin sa maisasagawa nilang mga pakikipagsapalaran at mga paglalakbay. Ang mesang ito ang dahilan kung bakit nakuha nila ang pangalang Ang mga Kabalyero ng Mesang Bilog.