Pangulo ng Tsipre
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pangulo ng Tsipre ay ang pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan ng Republika ng Tsipre. Ang tanggapan ay nagawa noong 1960, matapos makamit ng Tsipre ang kalayaan nito mula sa Nagkakaisang Kaharian. Sa kasalukuyan, si Nikos Christodoulides ang Pangulo ng Tsipre.
Agarang impormasyon Pangulo ng Republika ng Tsipre, Nagtalaga ...
Pangulo ng Republika ng Tsipre | |
---|---|
Nagtalaga | Direktang popular na boto |
Haba ng termino | Limang taon, maaaring maulit ng isang beses |
Nabuo | 16 Agosto 1960 |
Websayt | http://www.presidency.gov.cy (sa Ingles) (sa Griyego) (sa Turko) |
Isara
Matapos ang kudeta noong 1974 na nagluklo kay Nikos Sampson, sinalakay ng Turkiya ang Hilagang Tsipre noong 20 Hulyo 1974, at noong 1983 binuo ang Turkish Republic of Northern Cyprus, na tanging Turkiya lamang ang kumikilala. Samakatwid, ang hurisdiksiyon ng Republika ng Cyprus ay de facto hindi umaabot sa hilagang ikatlong bahagi ng isla.