Pagkalipol noong panahong Kretasiko–Paleoheno
From Wikipedia, the free encyclopedia
Malawakang pagkaubos sa Kretaseo-Paleoheno (Ingles: Cretaceous-Paleogene extinction event) ang tawag sa malawakang pagkaubos ng lahi ng mga espesye sa Daigdig tinatayang 66 na milyong taon bago ang kasalukuyan. Ang biglaang pagkaubos na ito ang lumipol sa humigit-kumulang 75% ng lahat ng mga buhay na halaman at hayop nung panahon na yon. Pinakanapuruhan ang mga tetrapod, na halos naubos ang buong lipi maliban lang sa iilang mga espesye katulad ng mga pawikan at buwaya; walang natirang tetrapod sa Daigdig na may bigat na lagpas 25 kg. Ito ang nagpatapos sa panahon ng Kretaseo at Mesosoiko, at nagpasimula naman sa Senosoiko, na nagpapatuloy magpahanggang ngayon.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|