Paninigas at pagtayo ng titi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ereksiyon ng titi o Paninigas at pagtayo ng titi ay isang kaganapang pampisyolohiya kung saan ang titi ng lalaking tao ay lumalaki, namimintog at matigas. Ang ereksiyong pangtiti ay resulta ng isang masalimuot na interaksiyon ng mga bagay na sikolohikal, neural, baskular, at endokrin, at pangkaraniwan ngunit hindi eksklusibong may kaugnayan sa pagkapukaw na seksuwal o pagkabighaning seksuwal. Ang pagtayo at pagtigas ng titi habang natutulog ay nakikilala bilang panggabing pamimintog ng titi, na tinatawag na nocturnal penile tumescence sa wikang Ingles.
- Tungkol ito sa ereksiyon ng titi. Para sa ereksiyon sa babae, pumunta sa Ereksiyon ng tinggil. Para sa pagtatayo ng bahay o gusali, pumunta sa Konstruksiyon.