TV Patrol
Part of ABS-CBN News / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang TV Patrol ay ang pangunahing pambansang programang pambalitaan ng ABS-CBN na umere kapalit ng Balita Ngayon. Ang programa ay pinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 6:30 hanggang 8:00 ng gabi, tuwing Sabado mula 6:00 ng gabi at Linggo mula 5:30 ng hapon.Ang programang ito ay ang pinakamatagal ng umeereng balitaan sa gabi sa wikang Filipino matapos ang pagsasahimpapawid nito noong 1987.
TV Patrol | |
---|---|
Uri | Balita |
Gumawa | ABS-CBN Corporation |
Nagsaayos | ABS-CBN News and Current Affairs |
Host | Mula lunes-biyernes Henry Omaga-Diaz Bernadette Sembrano Noli de Castro Karen Davila Weekend anchors Alvin Elchico Zen Hernandez Various contributors |
Kompositor ng tema | Frank Gari Jimmy Antiporda (Arranged) |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Pilipino |
Bilang ng kabanata | n/a (umeere araw-araw) |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | 90 minuto (Lunes-Biyernes) 60 minuto (Sabado at Linggo) |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN (1987-2020) TeleRadyo (2007-kasalukuyan) ANC (2020-kasalukuyan) Kapamilya Channel (2020-kasalukuyan) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 2 Marso 1987 (1987-03-02) – kasalukuyan |
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Balita Ngayon (bilang balitaan sa gabi) The Weekend News (bilang balitaan tuwing Sabado at Linggo) |
Karaniwang pinapalabas ang programa sa ABS-CBN magmula noon tuwing gabi hanggang 5 Mayo 2020, nang sapilitang ipatigil ang operasyon nito sa pamamagitan ng mga kautusan ng National Telecommunications Commission. Bago itigil ang operasyong pantelebisyon ng kumpanya, ang programa ay umere din sa DZMM, mga istasyong AM ng ABS-CBN, at mga piling istasyon ng MOR sa mga lalawigan.
Sa kasalukuyan, umeere na ang TV Patrol sa Kapamilya Channel, ANC, TeleRadyo, at onlayn sa pamamagitan ng websayt ng ABS-CBN News, mga plataporma katulad ng iWantTFC, TFC IPTV at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at satelayt.