Carl Czerny
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Carl Czerny o Karl Czerny (21 Pebrero 1791 ā 15 Hulyo 1857) ay isang Austrianong piyanista, kompositor, at guro. Higit siyang nakikilala sa ngayon dahil sa kanyang mga aklat ng mga piyesa ng musika o tugtuging pampagsasanay na pinag-aaralan upang mapaghusay o malinang ang isang tekniko para sa pagtugtog ng piyano. Pinakakilala sa mga aklat ng pagsasanay niyang ito ang The School of Fingering ("Ang Paaaralan ng Paggamit ng mga Daliri").[2]
Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Carl Czerny | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Pebrero 1791[1]
|
Kamatayan | 15 Hulyo 1857[1]
|
Libingan | Zentralfriedhof |
Mamamayan | Imperyo ng Austria |
Trabaho | piyanista, kompositor, musicologist, music theorist, music educator |
Asawa | none |
Isara
Ipinanganak siya sa Vienna, Austria. Nag-aral siyang kasama si Ludwig van Beethoven. Siya ang nagturo sa pagtugtog ng piyano kay Franz Liszt.[2] Kakilala at naimpluwensiyahan si Czerny ng tanyag na mga piyanistang sina Muzio Clementi at Johann Nepomuk Hummel.