Godiva
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Godiva (fl. 1040–1067) ( /ɡəˈdaɪvə/; Lumang Ingles: Godgifu[1]), na nakikilala rin sa Ingles bilang Lady Godiva ("Ginang Godiva" o "Dama Godiva") ay isang babaeng maharlika na Angglo-Sahon noong ika-11 daantaon na, ayon sa isang alamat na lumitaw noong ika-13 daantaon, ay sumakay nang hubo't hubad sa ibabaw ng isang kabayo at nagprusisyon sa mga lansangan ng Coventry upang magkamit ng isang kapatawaran sa mapaniil na pagbubuwis na ipinataw ng kaniyang asawa sa mga nangungupahan sa kaniya. Ang pangalang "Peeping Tom" (Naninilip na Tom) sa Ingles na para sa isang maninilip ay nagmula sa mas nahuling mga bersiyon ng alamat na ito, na kung saan ang isang lalaking may pangalang Tom ay nanood sa pagsakay at pagpaparada ni Godiva at pagdaka ay naging isang lalaking bulag o kaya ay namatay pagkaraang manood ng prusisyon.