Magkapatid na Montgolfier
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sina Joseph-Michel Montgolfier (26 Agosto 1740 – 26 Hunyo 1810) at Jacques-Étienne Montgolfier (6 Enero 1745 – 2 Agosto 1799) ay ang mga imbentor ng globe aérostatique, ang lobong nilalagyan ng mainit na hangin na nasa estilong Montgolfière. Nagtagumpay ang mga lalaking magkapatid sa paglulunsad ng unang pag-angat na mayroong lulang tao, na ang dala ay si Étienne[1][2] papunta sa kalangitan. Sa pagdaka, noong Disyembre 1783, bilang pagkilala sa kanilang nagawa, ang kanilang amang si Pierre ay iniangat ng antas at naging kabahagi ng mga maharlika at ng namamanang pangalan o apelasyon na de Montgolfier, na isinagawa ni Haring Louis XVI ng Pransiya.
Agarang impormasyon Joseph-Michel Montgolfier, Kapanganakan ...
Joseph-Michel Montgolfier | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Agosto 1740(1740-08-26) |
Kamatayan | 26 Hunyo 1810(1810-06-26) (edad 69) Balaruc-les-Bains, Pransiya |
Trabaho | imbentor |
Asawa | Wala |
Isara