Miss Universe 1996
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1996, ay ang ika-45 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Aladdin Theatre for the Performing Arts sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong 17 Mayo 1996. Ito ang kauna-unahang at katangi-tanging edisyon na ginanap sa ilalim ng ITT Corp.[1]
Miss Universe 1996 | |
---|---|
Petsa | 17 Mayo 1996 |
Presenters |
|
Entertainment | Michael Crawford |
Pinagdausan | Aladdin Theatre, Las Vegas, Nevada, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 79 |
Placements | 10 |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Alicia Machado Beneswela |
Congeniality | Jodie McMullen Australya |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Ilmira Shamsutdinova Rusya |
Photogenic | Aileen Damiles Pilipinas |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Chelsi Smith ng Estados Unidos si Alicia Machado ng Beneswela bilang Miss Universe 1996.[2][3] Ito ang ikaapat na tagumpay ng Beneswela sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Taryn Mansell ng Aruba, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Lola Odusoga ng Pinlandiya.[4][5]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-siyam na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Goen ang kompetisyon, samantalang si Marla Maples ang nagsilbi bilang backstage correspondent.[6]