Miss World 2010
ika-60 edisyon ng Miss World / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 2010 ang ika-60 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Crown of Beauty Theatre sa Sanya, Tsina noong 30 Oktubre 2010.
Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...
Miss World 2010 | |
---|---|
Petsa | 30 Oktubre 2010 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Crown of Beauty Theatre, Sanya, Tsina |
Brodkaster |
|
Lumahok | 115 |
Placements | 25 |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Alexandria Mills Estados Unidos |
Isara
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Kaiane Aldorino ng Hibraltar si Alexandria Mills ng Estados Unidos bilang Miss World 2010.[1][2] Ito ang ikatlong tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Emma Wareus ng Botswana, habang nagtapos bilang second runner-up si Adriana Vasini ng Beneswela.
Mga kandidata mula sa 115 mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Steve Douglas at Angela Chow ang kompetisyon. Nagtanghal sina Shayne Ward, Dave Koz, at Carlos Aponte sa edisyong ito.