Ramon Magsaysay
Ika-pitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.
Ramon Magsaysay | |
---|---|
Ika-7 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1953 – 17 Marso 1957 | |
Pangalwang Pangulo | Carlos P. García |
Nakaraang sinundan | Elpidio Quirino |
Sinundan ni | Carlos P. García |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Solong Distrito ng Zambales | |
Nasa puwesto 28 Mayo 1946 – 1 Setyembre 1950 | |
Nakaraang sinundan | Valentin Afable |
Sinundan ni | Enrique Corpus |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | 31 Agosto 1907 Iba, Zambales |
Namatay | 17 Marso 1957 Bundok Manunggal, Balamban, Cebu |
Partidong pampolitika | Partido Nacionalosta |
Asawa | Luz Banson |
Anak | Teresita, Milagros, Jun |
Trabaho | Inhinyero |
Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.