Tiergarten (liwasan)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tiergarten (pormal na Aleman na pangalan: Großer Tiergarten) ay ang pinakasikat na liwasan sa loob ng lungsod ng Berlin, na ganap na matatagpuan sa distrito ng kaparehong pangalan. Ang liwasan ay 210 hectare (520 acre) ang laki at kabilang sa pinakamalaking urbanong hardin ng Alemanya.[1] Tanging ang Tempelhofer Park (dating Paliparang Tempelhof ng Berlin) at Englischer Garten ng Munich ang mas malaki.