Akhal-Teke
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Akhal-Teke (mula sa Turkmen na Ahalteke, [ahalˈteke]) ay isang lahi ng kabayo na nagmula sa Turkmenistan, kung saan ito ay pambansang sagisag.[1] Kilala ang mga ito sa kanilang tulin, tibay, talino, at ang katangi-tanging mala-metal na kintab ng balahibo nito. Tinawag ang mga Akhal-Teke na "Ginintuang Kabayo" dahil sa kintab ng kanilang palomino at ante.[2] Nakaaangkop ang mga kabayong ito sa mga matitinding klima at kilala rin bilang isa sa pinakamatanda at nagpapatuloy na lahi ng kabayo.[3] Sa kasalukuyan may 6,600 Akhal-Teke sa buong daigdig, karamihan dito ay nasa Turkmenistan at Rusya, bagaman kalát din ang mga ito sa Europa at Hilagang Amerika.[4]
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Setyembre 2020) |
Namukod na katangian | Sinasakyang kabayong pinalahi para sa tibay; Kilala sa kanilang mala-metal na balahibo sa ilang indibidwal |
---|---|
Bansang pinanggalingan | Turkmenistan |
Mga Pamantayan ng Lahi | |
Akhal-Teke Association of America | Pamantayan ng lahi |
International Association of Akhal-Teke Breeding (MAAK) | Pamantayan ng lahi |
Equus ferus caballus |
Maraming teorya patungkol sa kaninu-nunuan ng Akhal-Teke, ang ilan dito'y ilang libong taon na ang nakalipas. Pilî ang pagpapalahi ng mga kabayong ito, at pasalitang itinala ng mga tribo sa Turkmenistan ang pedigree na siyang ginamit nila sa pananalakay. Ginamit ang lahing ito sa nabigong labanan nila sa Imperyong Ruso na tuluyang sumakop sa bansa nila. Naimpluwensiyahan ng Akhal-Teke ang marami pang lahi ng kabayo, pati ang ilang lahing Ruso. Naging malawakan ang pagpapalahi ng mga Molang Akhal-Teke, upang makagawa ng isa matulin, pangmalayuang-distansiyang kabayong pangarera. Bunga nito ang lahat ng Akhal-Teke ay may ninunong Kabayong Mola.[5] Isinara ang stud book nito noong 1932.[6] Ang mga Ruso ang unang naglimbag ng stud book ng lahing ito noong 1941, kasama ang sa 700 pang kabayo.