Batas ng ideyal na gas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang batas ng ideyal na gas (Ingles, ideal gas law) ay ang tumbasan ng estado (equation of state) ng isang hipotetikal na ideyal na gas. Mainam itong gamitin sa maraming mga uri ng gas sa iba-ibang kondisyon ngunit mayroon pa rin itong mga limitasyon. Una itong isinaad ni Émile Clapeyron noong 1834 bilang isang kumbinasyon ng mga empirikal na batas ni Boyle, batas ni Charles, at batas ni Avogadro.[1]
Kadalasang isinusulat ang batas na ito bilang
kung saan ang:
- ay ang presyon ng gas,
- ay ang bolyum ng gas,
- ay ang dami ng gas (sa mole),
- ay ang ideal na konstant ng gas,
- ay ang ganap na temperatura ng gas.
Maaari ring makuha ang batas ng ideyal na gas mula sa teoryang kinetiko ng gas, na nagawa nang hiwalay nina August Krönig noong 1856[2] at Rudolf Clausius noong 1857.[3]