Dugong
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang dugong, dugonggo o Dugong dugon (pangalang pang-agham) ay isang malaking mamalyang pandagat na, kasama ng mga manatee, ay isa sa apat na mga nabubuhay pang mga espesye ng orden ng mga Sirenia (mga duyong). Ito ang tanging buhay na espesye sa pamilyang Dugongidae. Ang dugong ay dumedepende sa seagrass upang mabuhay kaya madalas itong malapit sa baybayin. Ang dugong ay hinahanap at pinapatay para karne at langis nito.
Agarang impormasyon Dugong Temporal na saklaw: Maagang Eocene hanggang Kamakailan, Katayuan ng pagpapanatili ...
Dugong[1] Temporal na saklaw: Maagang Eocene hanggang Kamakailan | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Sirenia |
Pamilya: | Dugongidae |
Sari: | Dugong |
Espesye: | D. dugon |
Pangalang binomial | |
Dugong dugon (Müller, 1776) | |
Likas na sakop ng D. dugon. |
Isara
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Dugong (paglilinaw).
Ang salitang "dugong" ay nagmula sa bisayang salita na "dugung".[3] Ginamit ang salitang "dugon" ng isang naturalistang Pranses na si Georges-Louis de Buffon sa kanyang ginawang Histoire Naturelle (1765). [4] Ang iba nitong pangalan sa ibang mga lugar ay "sea cow", "sea camel", at "sea pig".[5]