Embu
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa isang bayan sa Kenya ang artikulo na ito. Para sa ibang gamit ng pangalang ito, tingnan ang Embu (paglilinaw).
Ang Embu ay isang bayan na matatagpuan 120 kilometro (75 milya) hilaga-silangan ng Nairobi patungong Bundok Kenya. Ito ang punong-lungsod ng Eastern Province sa Kenya at gayundin ng Kondado ng Embu. Nakatayo ito sa timog-silangang dalisdis ng Bundok Kenya. Isa itong sentro ng pangangalakal sa gitna-silangang Kenya. Ang populasyon nito ay 41,092 noong 1999.[1]