Fernando Haddad
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Fernando Haddad (ipinanganak noong Enero 25, 1963) ay isang akademiko at pulitiko sa Brazil na nagsilbing Alkalde ng São Paulo mula 2013 hanggang 2017. Siya ang kandidato ng Workers' Party para sa Pangulo ng Brazil noong halalan sa 2018, kapalit ng dating Pangulong si Luiz Inácio Lula da Silva, na ang kandidatura ay pinagbawalan ng Superior Electoral Court sa ilalim ng batas na Clean Slate.[kailangan ng sanggunian] Nakaharap ni Haddad si Jair Bolsonaro sa run-off ng halalan,[1] at natalo sa halalan sa 44.87% ng mga boto laban sa 55.13% ng Bolsonaro.[2]
Fernando Haddad | |
---|---|
Mayor ng São Paulo | |
Nasa puwesto 1 Enero 2013 (2013-01-01) – 1 Enero 2017 (2017-01-01) | |
Vice Mayor | Nádia Campeão |
Nakaraang sinundan | Gilberto Kassab |
Sinundan ni | João Doria |
Ministro ng Edukasyon | |
Nasa puwesto 29 Hulyo 2005 (2005-07-29) – 24 Enero 2012 (2012-01-24) | |
Pangulo | Luiz Inácio Lula da Silva Dilma Rousseff |
Nakaraang sinundan | Tarso Genro |
Sinundan ni | Aloizio Mercadante |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | (1963-01-25) 25 Enero 1963 (edad 61) São Paulo, Brazil |
Partidong pampolitika | PT (1983–kasalukuyan) |
Asawa | Ana Estela Haddad (k. 1988) |
Anak | 2 |
Edukasyon | University of São Paulo (LL.B., M.Ec, Ph.D.) |
Si Haddad ay nagmula sa Antiochian Greek Christian at nag-aral ng batas, ekonomiya at pilosopiya sa University of São Paulo.[3] Siya ay Ministro ng Edukasyon mula 2005 hanggang 2012 sa mga kabinet nina Luiz Inácio Lula da Silva at Dilma Rousseff.[4]