Fujiwara no Michinaga
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Fujiwara no Michinaga (藤原 道長, 966 – Enero 3, 1028) ay isang Hapones na kumakatawan sa kasukdulan ng pagtaban o kontrol ng angkan ng mga Fujiwara sa pamahalaan ng Hapon noong kanilang kapanahunan. Ang kaniyang buong pangalan ay literal na may kahulugang "Michinaga ng Fujiwara" sapagkat ang salitang no sa wikang Hapon ay nangangahulugang "ng".[1]
- Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Fujiwara.