George Washington Carver
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si George Washington Carver (Enero 1864[4] o 12 Hulyo 1864[5] ā 5 Enero 1943), ay isang Amerikanong siyentipiko, botaniko, edukador, at imbentor. Pinasulong ng kanyang mga pag-aaral at pagtuturo ang agrikultura sa Katimugang Estados Unidos. Bagaman hind natitiyak nang husto ang araw at taon ng kanyang kapanganakan, pinaniniwalaang isinilang siya bago mapawi ang pang-aalipin sa Misuri noong Enero 1864.[4]
George Washington Carver | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Enero 1864[1]
|
Kamatayan | 5 Enero 1943
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika[3] |
Nagtapos | Pamantasang Estatal ng Iowa |
Trabaho | botaniko, imbentor, propesor ng unibersidad, mycologist, kimiko, biyologo |
Pirma | |
Nakabatay ang kalawakan ng katanyagan ni Carver mula kanyang pananaliksik at pagtataguyod ng pamalit na mga pananim sa halip na bulak lamang, katulad ng mga mani at kamote. Ninais niyang magtanim ang mga mahihirap na magsasaka ng alternatibong mga halaman kapwa bilang mapagkukunan ng kanilang sariling pagkain at maging bilang pinagmumulan ng iba pang mga produktong makapagpapainam sa kalidad ng kanilang buhay. Naglalaman ang kanyang bantog na buletin ng 105 umiiral na mga resipi ng pagkain na ginagamit ng mga mani.[6] Nilikha at ipinamahagi rin niya ang may 100 mga produktong gawa mula sa mga mani na gamitin sa bahay at sa bukid, kabilang ang kosmetiko, pangulay na tina, mga pintura, plastiko, gasolina, at nitrogliserina.