Giovanni Bellini
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Giovanni Bellini (sirka 1430 – 1516[5]) ay isang Italyanong pintor noong panahon ng Renasimyento, na maaaring higit na pinakakilala sa mag-anak na Bellini ng mga pintor na Benesyano. Ama niya si Jacopo Bellini, kapatid na lalaki niya si Gentile Bellini, at kapatid na lalaki niya sa batas si Andrea Mantegna. Itinuturing siya bilang nagdulot ng napakalaking pagbabago sa pagpipintang Benesyano, na nagdala rito papunta sa isang estilong mas nakasisiya sa pandama at mas makulay. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pinturang langis na malinaw at mabagal matuyo, nakalikha si Bellini ng malalim at mayamang mga tinta o bakas ng kulay at detalyadong mga dilim o anino sa larawang nakapinta. Nagkaroon ng malaking epekto sa paaralan ng Benesyanong pagpipinta, partikular na sa kanyang mga mag-aaral na sina Giorgione at Titian (kilala rin bilang Tiziano Vecellio o Vecelli), ang kanyang marangyang pagkukulay at matatas na atmosperikong mga tanawin.
Giovanni Bellini | |
---|---|
Kapanganakan | 1430 (Huliyano)[1] |
Kamatayan | 29 Nobyembre 1516[3] |
Mamamayan | Republika ng Venezia |
Trabaho | pintor,[2] dibuhista[4] |