Hedy Lamarr
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Hedy Lamarr /ˈhɛdi/ ay ipinanganak na Hedwig Eva Maria Kiesler; Noong Nobyembre 9, 1914 [lower-alpha 1] – at namatay noong Enero 19, 2000. Sya ay isang Amerikanang artista at imbentor na ipinanganak sa Austria. Pagkatapos ng isang maaga at maikling karera sa pelikula sa Czechoslovakia, kabilang ang kontrobersyal na erotikong romantikong drama na Ecstasy noong 1933, Siya ay tumakas mula sa kanyang unang asawa na si Friedrich Mandl, at lihim na lumipat sa Paris. Naglakbay sa London at dito nya nakilala si Louis B. Mayer, na nag-alok sa kanya ng kontrata sa pelikula sa Hollywood. Si Lamarr ay naging isang bituin sa pelikula sa kanyang pagganap sa romantikong drama na Algiers noong 1938. [2] Nakamit niya ang karagdagang tagumpay sa Western Boom Town noong 1940 at sa dramang White Cargo noong 1942. Ang pinaka-matagumpay na pelikula ni Lamarr ay ang relihiyosong epikong Samson at Delilah noong 1949. [3] Siya rin ay umarte sa telebisyon bago ang paglabas ng kanyang huling pelikula noong 1958. Siya ay pinarangalan ng isang bituin sa Hollywood Walk of Fame noong 1960.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Hedy Lamarr | |
---|---|
Kapanganakan | Hedwig Eva Maria Kiesler 9 Nobyembre 1914(1914-11-09) Vienna, Austria-Hungary |
Kamatayan | 19 Enero 2000(2000-01-19) (edad 85) Casselberry, Florida, U.S. |
Mamamayan | |
Trabaho |
|
Asawa |
|
Anak | 3 |
Sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama si George Antheil, sila Lamarr at Antheil ay nag imbento ng isang radio guidance system para sa Allied torpedoes na gumagamit ng spread spectrum at frequency hopping na teknolohiya upang talunin ang banta ng radio jamming ng Axis powers, gayunpaman ang teknolohiyang ito ay hindi kailanman pinagtibay. [4]