Herodes Antipas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Herodes Antipas[1] (pinaikling Antipatros) (bago ang 20 BCE;– pagkaraan ng 39 CE) ay isang pinuno ng Galilea at Perea noong unang daang taon CE, na nagtangan ng pamagat na tetrarka ("pinuno ng isang ika-apat") ng Kahariang Herodiano. Higit na kilala siya sa ngayon dahil sa kanyang naging gampanin sa mga pangyayaring humantong sa pagpapakitil ng buhay nina Juan Bautista[1] at Hesus ng Nasaret, na kapwa nagmula sa mga pagsasalaysay ng mga kaganapang nasa Bagong Tipan at sa paglalarawan ng mga pangyayaring ito sa pamamagitan ng makabagong midya, katulad ng pelikula.
Agarang impormasyon Panahon, Sinundan ...
Herodes Antipas | |
---|---|
Tetrarka ng Galilea at Perea | |
Barya ni Herodes Antipas | |
Panahon | 4 BCE – 39 CE |
Sinundan | Dakilang Herodes |
Sumunod | Agrippa I |
Ama | Dakilang Herodes |
Ina | Malthace |
Kapanganakan | Bago ang 20 BCE |
Kamatayan | Pagkatapos ng 39 CE Gallia |
Isara