Jacob Grimm
Aleman na pilologo, dalubwika, hurado, at mitologo / From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa iba pang mga tao na pinangalanang Jacob Carl, tingnan ang Jacob Carl (paglilinaw).
Si Jacob Ludwig Carl Grimm, nakikilala rin bilang Jacob Grimm o Jacob Carl[1] (na ang Jacob ay binabaybay din bilang Jakob; samantalang ang Carl ay binabaybay din bilang Karl;[a] 4 Enero 1785 – 20 Setyembre 1863), ay isang Aleman na pilologo, hurista (dalubhasa sa batas), at mitologo. Pinaka nakikilala siya bilang ang tagapagtuklas ng Batas ni Grimm (sa larangan ng lingguwistika), bilang may-akda (kasama ang kaniyang kapatid na lalaking si Wilhelm Grimm) ng mahalagang akdang Deutsches Wörterbuch, bilang may-akda ng Deutsche Mythologie (Mitolohiyang Aleman), at, mas kilala pa, bilang isa sa Magkapatid na Grimm, bilang patnugot ng Grimm's Fairy Tales (Mga Kuwentong-Bibit ni Grimm).