Jigme Khesar Namgyel Wangchuck
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་རྒྱལ་དབང་ཕྱུག་, Wylie: jigs med ge sar rnam rgyal dbang phyug ;[1] ipinanganak noong Pebrero 21, 1980) ay ang ikalimang Druk Gyalpo (Dzongkha: Haring Dragon) ng Kaharian ng Bhutan[2] at puno ng Angkan ng Wangchuck (dinastiyang Wangchuck).[3] Siya ang kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Naluklok siya sa trono noong Disyembre 6, 2006 matapos magbitiw ang kanyang ama, ang ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck. Naganap ang pampublikong seremonya ng koronasyon noong Nobyembre 6, 2008, ang taon na minarkahan ang ika-100 ng monarkiya ng Bhutan.
Jigme Khesar Namgyel Wangchuck འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་ རྒྱལ་དབང་ཕྱུག | |
---|---|
Panahon | 9 Disyembre 2006 – kasalukuyan |
Koronasyon | 1 Nobyembre 2008 |
Sinundan | Jigme Singye Wangchuck |
Heir presumptive | Jigyel Ugyen Wangchuck |
Punong Mistro | Khandu Wangchuk Kinzang Dorji Jigme Thinley Tshering Tobgay |
Asawa | Jetsun Pema (2011–kasalukuyan) |
Anak | Jigme Namgyel Wangchuck Jigme Ugyen Wangchuck |
Lalad | Kabahayan ng Wangchuck |
Ama | Jigme Singye Wangchuck |
Ina | Tshering Yangdon |
Kapanganakan | (1980-02-21) 21 Pebrero 1980 (edad 44) Katmandu |
Lagda | |
Pananampalataya | Budismo |
Kaugnay ng pamilya, panganay si Khesar ng kanyang ama at ng ikatlong asawa ng kanyang ama na si Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Mayroon siyang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin, may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Asawa niya si Jestun Pema, ang Druk Gyaltsuen (Dzongkha: Reynang Dragon) ng Bhutan. Mayroon silang dalawang anak, ang mga prinsipeng sina Jigme Namgyel Wangchuck at Jigme Ugyen Wangchuck.