Kabwe
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kabwe ay ang kabisera ng Lalawigang Sentral (Central Province) ng Zambia sa katimugang Aprika, na may populasyon na 202,914 katao noong senso ng 2010. Ipinangalang Broken Hill hanggang sa taong 1966, itinatag ito noong natuklasan ang mga deposito ng tingga at sink noong 1902. May paggiit din ang Kabwe bilang lugar ng pagsilang ng politika ng Zambia sapagkat isa itong mahalagang sentrong pampolitika noong panahong kolonyal.[1] Isa itong mahalagang sentro ng transportasyon at pagmimina.
Agarang impormasyon Bansa, Lalawigan ...
Kabwe | |
---|---|
Ang cape fig tree ng Pambansang Bantayog ng Big Tree ay ang kapansin-pansing tampok sa kabayanan ng Kabwe. | |
Mga koordinado: 14°26′S 28°27′E | |
Bansa | Zambia |
Lalawigan | Sentral |
Distrito | Kabwe |
Taas | 1,182 m (3,879 tal) |
Populasyon (Senso 2010) | |
• Kabuuan | 202,914 |
Sona ng oras | UTC+2 (CAT) |
Klima | Cwa |
Isara
Maliban sa kinaroroonan nito sa pangunahing linyang daambakal mula Lusaka papuntang Copperbelt, ito ay nasa Great North Road.