Ku (kana)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang く, sa hiragana, o ク sa katakana, ay isa sa mga kanang Hapones na kumakatawan sa isang mora. Kumakatawan itong dalawa sa [ku͍], at nagmula ang kanilang mga hugis sa kanjing 久.
Hiragana |
Katakana | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Transliterasyon | ku | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
may dakuten | gu | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
may handakuten | (ngu) | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hiragana Man'yōgana: | 久 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Katakana Man'yōgana | 久 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pagbaybay sa kana | クラブのク (Kurabu no "ku") | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Maaaring dagdagan ang titik ng dakuten; ito ay nagiging ぐ sa hiragana, グ sa katakana, at gu sa romanisasyong Hepburn. Binabago rin ng pagdagdag ng dakuten ang tunog ng kinatawang pantig, nagiging [ɡu͍] sa simula, at [ŋu͍] o [ɣu͍] sa gitna ng mga salita. Hindi nilalagyan ng handakuten (゜) ang ku sa karaniwang teksto ng Hapon, ngunit maaaring gamitin ito ng mga dalubwika upang magpahiwatig ng pahumal na pagbigkas [ŋu͍].
Sa wikang Ainu, maaaring isulat ang katakana ク bilang maliit na ㇰ na kumakatawan sa pangwakas na tunog ng k tulad ng sa アイヌイタㇰ Ainu itak (wikang Ainu).[1] Ito ay binuo kasama ng iba pang pinahabang katakana upang kumatawan sa mga tunog sa Ainu na wala sa karaniwang katakana ng Hapones.