Lalawigan ng Chonburi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Chonburi (Thai: ชลบุรี, RTGS: Chon Buri, [tɕ͡ʰōn bū.rīː] ( pakinggan)) ay isang lalawigan ng Thailand (changwat) na matatagpuan sa silangang Taylandiya.[4] Ang kabesera nito ay pinangalanang Chonburi. Ang mga karatig na lalawigan ay (paikot pakanan mula sa hilaga) Chachoengsao, Chanthaburi, at Rayong, habang ang Look ng Bangkok ay nasa kanluran. Ang Pattaya, isang pangunahing destinasyon sa turismo sa Taylandiya, ay matatagpuan sa Chonburi, kasama ang Laem Chabang, ang pangunahing daungan ng bansa. Ang populasyon ng lalawigan ay mabilis na lumaki at ngayon ay umabot na sa 1.7 milyong residente, bagaman ang malaking bahagi ng populasyon ay lumulutang o hindi nakarehistro.[5] Ang rehistradong populasyon noong 31 Disyembre 2018 ay 1.535 milyon.
Chonburi ชลบุรี | |||
---|---|---|---|
Mula sa taas: Tanawin ng Pattaya,Santuwaryo ng Katotohanan, Palasyo ng Phra Chuthathut ni Ko Sichang | |||
| |||
Bansag: ทะเลงาม ข้าวหลามอร่อย อ้อยหวาน จักสานดี ประเพณีวิ่งควาย ('Magandang dagay, masarap na Khao Lam, Matamis na tubó, Mahusay na paghabo, at tradisyon ng pagtakbo ng kalabaw) | |||
Lokasyon sa Taylandiya | |||
Mga koordinado: 13°13′N 101°11′E | |||
Country | Taylandiya | ||
Rehiyon | Silangang Taylandiya | ||
Kabeserang Panlalawigan | Chonburi | ||
Pinakamalaking Lungsod | Si Racha | ||
Settled | c. 7th century, as Phrarot city | ||
Founded as city | 1897–1932 | ||
Itinatag bilang lalawigan | 1933 | ||
Governing body | Tanggapang Panlalawigan ng Chonburi | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Lalawigan | ||
• Gobernador | Phakkhrathon Thianchai (simula Oktubre 2016) | ||
Lawak | |||
• Province | 4,363 km2 (1,685 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-50 | ||
Taas | 50 m (160 tal) | ||
Populasyon (2018)[2] | |||
• Province | 1,535,445 | ||
• Ranggo | Ika-9 | ||
• Kapal | 351.9/km2 (911/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-10 | ||
Human Achievement Index | |||
• HAI (2017) | 0.6613 "high" Ikaanim | ||
Sona ng oras | UTC+07:00 (ICT) | ||
Postal code | 20xxx | ||
Calling code | 038 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-20 |