Luis Antonio Tagle
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Luis Antonio Tagle (Latin: Aloysius Antonius Tagle; Italyano: Ludovico Antonio Tagle) (ipinanganak noong 21 Hunyo 1957, sa Maynila) ay isang paring kardinal ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas, titulado ng Simbahan ng San Felice da Cantalice sa Centocelle[1][2] at de facto Primado ng Pilipinas.[3][4] Sinundan niya si Gaudencio Kardinal Rosales upang makapaglingkod bilang Arsobispo ng Maynila.
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Kanyang Kabunyian Luis Antonio Tagle Arsobispo ng Maynila Kardinal ng Banal na Simbahang Romano | |
---|---|
Arsobispo ng Maynila | |
Lalawigan | Maynila |
Diyosesis | Sedeng Metropolitano ng Maynila |
Sede | Maynila |
Hinalal | 13 Oktubre 2011 |
Naiupo | 12 Disyembre 2011 |
Hinalinhan | Gaudencio Kardinal Rosales |
Mga orden | |
Ordinasyon | 27 Pebrero 1982 |
Konsekrasyon | 12 Disyembre 2001 ni Jaime Kardinal Sin |
Naging Kardinal | 24 Nobyembre 2012 |
Ranggo | Paring-Kardinal ng San Felice da Cantalice a Centocelle |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Luis Antonio Gokim Tagle |
Kapanganakan | (1957-06-21) 21 Hunyo 1957 (edad 66) Maynila, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Denominasyon | Simbahang Katoliko Romano |
Tirahan | Maynila, Cavite |
Mga magulang | Manuel Tagle Milagros Gokim-Tagle |
Hanapbuhay | Paring Kardinal Arsobispo ng Maynila |
Dating puwesto | Obispo ng Imus (2001–2011) |
Alma mater | Pamantasang Ateneo de Manila |
Motto | "Dominus Est! (Ang Panginoong iyon!)" - Juan 21:7 |
Lagda | |
Eskudo de armas |
Si Tagle ay naging kasangkot sa maraming mga isyung-panlipunan sa Pilipinas na may diin sa pagtulong sa mahihirap at sa maralita habang pinapanatili ang pagsalungat laban sa ateismo,[5][6] aborsyon,[7] kontrasepsiyon,[8] at ang Reproductive Health Bill.
Itinalaga si Tagle sa mismong Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe at kasalukuyang pinamamahalaan ang Arkidiyosesis ng Maynila kasama ang inang simbahan nito, ang Katedral-Basilika ng Kalinis-linisang Paglilihi bilang arsobispo.[9]
Noong 24 Nobyembre 2012, ginawaran ng Santo Papa Benedicto XVI si Tagle bilang Kardinal sa Basilika ni San Pedro sa Lungsod ng Vaticano.[10][11]