Oda Nobunaga
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Oda Nobunaga (織田 信長) Oda Nobunaga (tulong·impormasyon) (23 Hunyo 1534 – 21 Hunyo 1582) ay ang nagpanimula ng pagkakaisa ng Hapon sa ilalim ng pamumuno ng Shogun sa patapos na bahagi ng ika-16 na siglo na ang pamumuno ay nagtapos lang nang magbukas ang Hapon sa Kanluraning mundo noong 1868. Siya ay isang kilalang daimyo noong panahong Sengoku ng kasaysayan ng Hapon. Ang kanyang pamamaraan ng pamumuno ay ipinagpatuloy, hinubog at tinapos ng kanyang mga kahalili na sina Toyotomi Hideyoshi at Tokugawa Ieyasu. Siya ang ikalawang anak ni Oda Nobuhide, isang shugo (gobernador panghukbo) na may pagmamay-ari ng lupa sa Lalawigan ng Owari.[1][2] Si Nobunaga ay nabuhay ng kasama ang mga sunod-sunod na mga pananakop ng hukbo at bago siya mamatay noong 1582, nasailalim na ng kapangyarihan niya ang ikatlong bahagdan ng daimyong Hapones. Ang kahalili niya na si Toyotomi Hideyoshi, isang tapat na tagasunod ni Oda ang magiging kauna-unahang tao na sasakop sa buong Hapon at ang kauna-unahang tao na mamumuno sa buong Hapon simula n Digmaang Ōnin