Palaro ng Timog Silangang Asya 2023
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2023, (Khmer: ការប្រកួតកីឡាប្រជាជាតិអាស៊ីអាគ្នេយ៍ ២០២៣, translit. kar brakuot keila bracheacheat asi akne 2023) o kilala bilang 32nd SEA Games ay ang ika-32 edisyon ng palaro na ginanap sa Phnom Penh, Kambodya mula ika-5 hanggang ika-17 Mayo 2023.
Punong-abalang lungsod | Phnom Penh, Kambodya | ||
---|---|---|---|
Motto | "Sports Into Peace" (Khmer: "កីឡាចូលទៅក្នុងសន្តិភាព"; Tagalog: Isports Para sa Kapayapaan) | ||
Mga bansang kalahok | 11 | ||
Mga atletang kalahok | 6210 | ||
Palakasan | 36 | ||
Disiplina | 584 | ||
Seremonya ng pagbubukas | 5 Mayo 2023 | ||
Seremonya ng pagsasara | 17 Mayo 2023 | ||
Opisyal na binuksan ni | Hun Sen | ||
Panunumpa ng Manlalaro | Montross Phansovannarun | ||
Torch lighter | Sorn Seavmey | ||
Main venue | Pambansang Istadyum ng Morodok Techo | ||
Website | https://cambodia2023.com/ | ||
|
Ang anunsyo ay ginawa sa pagpulong ng SEA Games Federation Council sa Singgapur, at kasabay ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2015, at ang Pangulo ng Pambansang Komiteng Olimpiko ng Kambodya, na si Thong Khon. Ang Pilipinas ang orihinal na tinakdang maghost ng Mga Palaro, pero sinulong ito sa 2019 matapos bawiin ng Brunei ang orihinal na karapatang paghohost. Ito ang unang pagkakataon ng Kambodya na maghost ng mga palaro matapos kinansela ang Palarong Peninsularo ng Timog Silangang Asya 1963 dahil sa situwasyon ng politika noon sa bansang iyon. 40 isports ang itatampok ng Palarong SEA 2023.[1]