Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016
Palaro ng ika-XXXI Olimpiyada, na ginanap sa Rio de Janeiro, Brasil / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016 (Portuguese: Jogos Olímpicos de Verão de 2016), opisyal na kilala bilang Mga Laro ng XXXI Olimpiyada (Portuguese: Jogos da XXXI Olimpíada) at karaniwang kinilala bilang Rio 2016, ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na ginanap mula 5 hanggang 21 Agosto 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil, na may paunang mga kaganapan sa ilang palakasan simula sa 3 Agosto. Ang Rio ay inihayag bilang punong-abalang lungsod sa ika-121 na sesyon ng IOC sa Copenhagen, Denmark, noong 2 Oktubre 2009.
Palaro ng XXXI Olimpiyada Jogos Olímpicos de Verão de 2016 | |
Punong-abala | Rio de Janeiro, Brazil |
---|---|
Salawikain | A new world (Isang bagong mundo) Portuges: Um mundo novo |
Estadistika | |
Bansa | 207 |
Atleta | 11,238[1] |
Paligsahan | 306 sa 28 palakasan (41 disiplina) |
Seremonya | |
Binuksan | Agosto 5 |
Sinara | Agosto 21 |
Binuksan ni | Bise Presidente Michel Temer (bilang pansamantalang Presidente) |
Nagsindi | Vanderlei Cordeiro de Lima |
Estadyo | Maracanã |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2012 London Susunod 2020 Tokyo |
Taglamig | Nakaraan 2014 Sochi Susunod 2018 PyeongChang |
Mahigit 11,000 mga atleta mula sa mga 205 Pambansang Lupong Olimpiko ang nakibahagi, kabilang ang mga unang kalahok mula sa Kosovo, South Sudan, at Refugee Olympic Team. May 306 na medalyang ginawad sa 28 pampalakasang Olimpiko na tampok sa palaro, kabilang ang rugby sevens at golf, na idinagdag sa programang Olimpiko noong 2009. Ang mga paligsahang ay ginanap sa 33 mga lugar sa punong-abalang lungsod city at sa limang magkakahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Brazil na São Paulo, Belo Horizonte, Salvador, Brasília, at Manaus.
Ito ang unang Palarong Olimpiko na ginanap sa Timog Amerika. Ito rin ang unang ginanap sa isang bansang nagsasalita ng Portuges, ang unang edisyon ng Palarong Tag-init na gaganapin sa buong panahon ng taglamig ng punong-abalang bansa, ang una mula noong 1968 na gaganapin sa Latin America, at ang una mula noong 2000 na gaganapin sa Timog Hatingdaigdig. Ito ang unang Palarong Olimpiko sa Tag-init na naganap sa ilalim ng panguluhan ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) ni Thomas Bach.
Nanguna ang Estados Unidos sa talahanayan ng medalya, na nanalo ng pinakamaraming gintong medalya (46) at ang pinakamataas na bilang ng mga medalya sa pangkalahatan (121); nasungkit rin ang koponan ng US ang kanilang ika-1,000 na gintong medalya sa pangkalahatang Palarong Olimpiko sa Tag-init. Natapos sa ikalawang pwesto ang Gran Britanya at naging ikalawang bansa lamang sa modernong kasaysayan ng Olimpiko upang madagdagan ang kanilang talahanayan ng medalya sa Palarong Olimpiko kaagad pagkatapos maging punong-abalang lungsod. Natapos ang Tsina sa ikatlo sa talahanayan ng medalya. Ang punong-abalang bansa na Brazil ay nagwagi ng pitong gintong medalya, ang pinakamalaking natala nito sa anumang Palarong Olimpiko sa Tag-init, na nagtatapos sa ika-labintatlong puwesto. Ang Bahrain, Fiji, Ivory Coast, Jordan, Kosovo, Puerto Rico, Singapore, Tajikistan, at Vietnam ang bawat isa ay nagwagi ng kanilang unang gintong medalya, maging ang pangkat ng Independent Olympic Athletes (mula sa Kuwait).