Pamantasang Estatal ng Louisiana
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad Pampamahalaan ng Louisiana (Ingles: Louisiana State University), o madalas tinutukoy bilang LSU) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Baton Rouge, estado ng Louisiana, Estados Unidos.[1] Ang Unibersidad ay itinatag noong 1853 sa lugar na kilala na ngayon bilang Pineville, Louisiana, sa ilalim ng pangalang Louisiana State Seminary of Learning & Military Academy. Ang kasalukuyang LSU main campus ay itinayo noong 1926, na binubuo ng higit sa 250 mga gusali sa estilo ng Italyanong Renasimiyento na arkitektong si Andrea Palladio, at sumasakop ng isang 650-acre (2.6 km2) talampas sa bangko ng Ilog Mississippi.
LSU ay ang punong institusyon ng Louisiana State University System, at ang pinakamalaking institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Louisiana ayon sa pagpapatala ng mag-aaral. Sa 2015, nakaenrol sa Unibersidad ang higit sa 26,000 undergradwado at mahigit sa 5,000 gradwadong mag-aaral na nakakalat sa 14 na mga paaralan at kolehiyo.[2][3]