Panaderya
uri ng negosyo ng nagbebenta ng pagkaing batay sa harina / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang panaderya o tinapayan ay establisimyento na gumagawa at nagbebenta ng mga pagkaing batay sa harina na hinurno sa pugon kagaya ng tinapay, biskwit, keyk, donat, pastelerya, at pie.[1] Kinakategorya rin ang ibang panaderyang tingian bilang mga kapihan, na naghahain ng kape at tsaa sa mga mamimiling gustong kumain ng mga bineyk o hinurno na kalakal sa lugar. Ginagawa rin ang mga kinendi sa karamihan ng mga panaderya sa buong mundo.