Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair (中部国際空港, Chūbu Kokusai Kūkō) (IATA: NGO, ICAO: RJGG) ay isang paliparang pandaigdig sa artipisyal na pulo sa Look ng Ise, Lungsod ng Tokoname sa Prepektura ng Aichi, 35 km (22 mi) timog ng Nagoya sa gitnang Hapon.[2]
Pandaigdigang Paliparan ng Chubu Centrair | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buod | |||||||||||
Uri ng paliparan | Publiko | ||||||||||
May-ari/Nagpapatakbo | Central Japan International Airport Co., Ltd. (CJIAC) | ||||||||||
Pinagsisilbihan | Nagoya, Hapon | ||||||||||
Lokasyon | Tokoname, Aichi, Hapon | ||||||||||
Nagbukas | 17 Pebrero 2005 (19 taon na'ng nakalipas) (2005-02-17) | ||||||||||
Sentro para sa |
| ||||||||||
Nakatuong lungsod para sa | |||||||||||
Elebasyon AMSL | 12 tal / 3.6576 m | ||||||||||
Mga koordinado | 34°51′30″N 136°48′19″E | ||||||||||
Websayt | (sa Ingles) www.centrair.jp | ||||||||||
Mga patakbuhan | |||||||||||
| |||||||||||
Estadistika (2018) | |||||||||||
| |||||||||||
Sanggunian: Ministeryo ng Lupain, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo ng Hapon[1] |
Nauuri ang Centrair bilang isang primera klaseng paliparan at ito ang pangunahing internasyunal na puwerto para sa Chubu ("sentral") na rehiyon ng Hapon. Daglat ang pangalang "Centrair" (セントレア, Sentorea) ng Central Japan International Airport, isang alternatibong salin na ginagamit sa pangalang Ingles na umiiral na kompanya ng paliparan, ang Central Japan International Airport Co., Ltd. (中部国際空港株式会社, Chūbu Kokusai Kūkō Kabushiki-gaisha). Ginamit ang paliparan ng 10.2 milyong tao noong 2015, na nakaranggo bilang ika-8 pinakaabalang paliparan ng bansa, at 208,000 tonelada ng karagamento ang naikilos noong 2015.