Pilmograpiya ni Samantha Akkineni
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Samantha Akkineni ay isang aktres at modelong Indyan na gumanap sa mga pelikulang Telugu at Tamil. Kauna-unahan siyang lumabas noong 2010 kasama sa romansang pelikulang Telugu na Ye Maaya Chesave ni Gautham Menon at ang bersyon sa Tamil na Vinnaithaandi Varuvaayaa. Ang naunang pelikula ay nagbigay nagtao sa kanya ng Filmfare Award for Best Female Debut – South at isang Nandi Award.[1][2][3] Sumunod, si Samantha ay nanalo sa Filmfare Award for Best Tamil Actress at Filmfare Award for Best Telugu Actress para sa saiyang pagganap sa pelikula nong 2012 na Neethaane En Ponvasantham at Eega, ayon sa pagkakasunod. Simula noon, lumabas na siya bilang pangunahing aktres sa mga pelikulang hero-centric katulad ng mga pelikulang Telugu na Dookudu (2011), Yeto Vellipoyindhi Manasu (2012), Seethamma Vakitlo Sirimalle Chettu (2012) at Attarintiki Daredi (2013), at pelikulang Tamil na Kaththi (2014). Ang pelikulang ito at ang Theri, 24 (lahat noong 2016) at Mersal (2017) ay nagbigay sa kanya ng mga nominasyon para sa Filmfare Award for Best Tamil Actress. Ang kanyang pagganap sa pelikulang Telugu na A Aa (2016), ay nagbigay sa kanyang kanyang ikaapat na Filmfare Award.[4]