Ricardo ng Chichester
From Wikipedia, the free encyclopedia
Nakaturo ang "San Ricardo" dito. Para sa ibang mga gamit, tingnan ang San Ricardo (paglilinaw).
Si Ricardo ng Chichester[1] (Ingles: Richard of Chichester, 1197 ā Abril 3, 1253), na kilala rin bilang Ricardo ng Wych (Richard de Wych), ay isang santo (kinanonisa noong 1262) na isang Obispo ng Chichester.
Agarang impormasyon San, Naiupo ...
San Ricardo ng Chichester | |
---|---|
Obispo ng Chichester | |
Naiupo | 1244 |
Nagwakas ang pamumuno | 1253 |
Hinalinhan | Robert Passelewe |
Kahalili | John Climping |
Iba pang katungkulan | Kinatawang pari ng Deal |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Ricardo (Richard) |
Kapanganakan | c. 1197 Droitwich, Worcestershire, Inglatera |
Yumao | Abril 3, 1253 Dover, Kent, Inglatera |
Denominasyon | Katoliko |
Kasantuhan | |
Kapistahan | Abril 3 (sa Simbahang Katolika Romana at ilang mga probinsiya ng Komunyong Anglikano), Hunyo 16 (sa ilang mga probinsiya ng Komunyong Anglikano) |
Pinipitagan sa | Simbahang Katolika Romana Komunyong Anglikano |
Pamagat bilang santo | Obispo at Tagapagpaamin |
Kanonisasyon | Enero 25, 1262 Viterbo, Lazio, Estadong Papal ni Papa Urbano IV |
Atribusyon | Obispo na may kalis sa kaniyang tabi ng kaniyang paa dahil minsang nahulog niya ang kalis habang nagmimisa at walang natapon na laman nito; nakaluhod sa harap ng kalis; umaararo sa kabukiran ng kaniyang kapatid; isang obispong binabasbas ang kaniyang mga mananampalataya na may kasamang kalis na malapit sa kaniya |
Pamimintakasi | Mga kutsero; Diyosesis ng Chichester; Sussex, Inglatera |
Mga dambana | Katedral ng Chichester |
Isara
Sa Katedral ng Chichester, naging napapalamutiang sentro ng pilgrimahe ang isang dambanang nakalaan kay Ricardo. Noong 1538, sa panahon ng pamumuno ni Enrique VIII, nilooban at winasak ito sa utos ni Thomas Cromwell. Si Ricardo ng Chichester ay ang patron ng Sussex sa katimugang Inglatera; mula noong 2007, ipinagdiriwang ang kaniyang araw ng santo na Hunyo 16 bilang Araw ng Sussex.