Rosh haShana
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rosh haShana o Rosh Hashanah (Ebreo: ראש השנה) ay ang katawagang Hudyo para sa Puno ng Taon. Ito ang unang araw ng ikapitong buwan ng Tishrey sa kalendaryong Ebreo, ang unang buwan bilang Nisan. Minsang nababanggit sa Tora bilang rosh hashana ang pangalan ng banal na araw na ito. Tinatawag din itong Pestibal ng Bagong Taon o Kapistahan ng Bagong Taon sa makabagong pagsasalinwika (New Year Festival sa Ingles).[1]