Talaan ng mga lungsod sa Kansas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kansas ay isang estado na matatagpuan sa Gitnang-kanluran ng Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, ang Kansas ay pantatlumpu't-apat na pinakamataong estado na may &0000000002853132.0000002,853,132 katao at panlabintatlong pinakamalaki ayon sa lawak ng lupain na umaabot sa 81,758.72 milya kuwadrado (211,754.1 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Kansas sa 105 kondado at mayroong 627 nainkorporadang munisipalidad na binubuo ng mga lungsod.[2]
Lahat ng mga nainkorporadang lugar at pamayanan sa Kansas ay mga lungsod ("cities"), hindi tulad sa ilang ibang estado kung saan may mga bayan o nayon. Mayroon lamang mga lungsod (walang bayan o nayon) ang labing-isa (11) sa limampung (50) estado ng Estados Unidos, kabilang na ang Kansas.
Upang maging isang lungsod ang isang lugar sa Kansas, dapat may populasyon itong hindi bababa sa 300 katao, o may 300 o higit pang mga nakaplanong lote (platted lots) na pinagsisilbihan ng mga linya ng tubig at alkantarilya.
Kapag nainkorporada na ang isang lugar sa Kansas bilang lungsod, mananatili itong lungsod kahit na bumaba ang populasyon nito o naging kakaunti ang mga lote, at kahit na pinataas ang pinakamababang hininhingi (minimum requirements) upang maging lungsod.[3] Maaaring mag-de-incorporate (o pagbuwag/pagwawalang-bisa ng inkorporasyon) ang isang lungsod, subalit kapag ang mga residente ay magpasya na muling i-inkorporada ang kanilang dating lungsod sa isang petsa sa hinaharap, dapat na masunod ang lahat ng mga panibagong pinakamababang kailangan (minimum requirements).