Wuxi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Wuxi (Tsino: 无锡) ay isang lungsod sa katimugang Jiangsu, silangang Tsina, 135 kilometro (84 milya) hilagang-kanluran ng kabayanan ng Shanghai kapag nasa kotse, sa pagitan ng Changzhou at Suzhou.[1] Noong 2017 mayroon itong populasyon na 3,542,319, habang ang mismong administratibong lungsod (ang antas-prepektura na lungsod) ay may 6,553,000 katao.
Wuxi 无锡市 Wusih, Wu Hsi | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Antas-prepektura na lungsod | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Paikot sa kanan mula taas: Yuantouzhu; Wuxi Clock Tower; IFS Wuxi; financial district; SanYang; City Hall; NanChangJie;Taihu lake | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Bansag: Ang Wuxi ay punô ng sigla at tubig (Wuxi is full of warmth and water) | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Mga koordinado: 31°34′N 120°18′E | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Isang litáw na lungsod pangkasaysayan at pangkalinangan sa Tsina ang Wuxi, na mula pa noong sinaunang panahon ay isa nang lumálagông sentrong ekonomiko bilang pusod ng produksiyon at pagluluwas ng bigas, sutla at tela. Sa loob ng mga huling dekada lumitaw ito bilang isang pangunahing tagagawa ng de-kuryenteng mga motor, sopwer, teknolohiyang solar at mga parte ng bisikleta. Matatagpuan ang lungsod sa katimugang delta ng Ilog Yangtze at sa Lawa ng Tai, na may 48 maliliit na mga isla at sikat sa mga turista. Kabilang sa kilalang mga palatandaang pook ay Liwasang Lihu, ang Mt. Lingshan Grand Buddha Scenic Area at ang estatwa nitong 88 metro (289 talampakan) ang taas, Liwasang Xihui, Wuxi Zoo and Taihu Lake Amusement Park at ang Museo ng Wuxi.
Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparang Pandaigdig ng Sunan Shuofang na binuksan noong 2004, ang Wuxi Metro na binuksan noong 2014, at ang Shanghai–Nanjing Intercity High-Speed Railway na nag-uugnay nito sa Shanghai. Ang Unibersidad ng Jiangnan, isang mahalagang pambansang pamantasan nf “Proyektong 211” at sentro ng siyentipikong pananaliksik, ay unang itinatag noong 1902 ngunit muling binuo noong 2001 kalakip ng pagsasanib ng dalawang ibang mga kolehiyo.