Tiberias
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tiberias ( /taɪˈbɪəriəs/; Hebreo: טְבֶרְיָה, Tverya; Arabe: طبريا, romanisado: Ṭabariyyā) ay isang lungsod sa kanlurang pampang ng Lawa ng Galilea sa Israel. Itinatag noong mga 20 AD, ipinangalan ito kay Emperador Tiberius ng Imperyong Romano.[2] Itinayo ang Tiberias ni Herodes Antipas, ang anak ni Dakilang Herodes, at ito ang naging kapital ng kanyang nasasakupan sa Galilea.
Agarang impormasyon Tiberias טבריה, Bansa ...
Tiberias טבריה | ||
---|---|---|
lungsod, political territorial entity, city council | ||
| ||
Mga koordinado: 32°47′23″N 35°31′29″E | ||
Bansa | Israel | |
Lokasyon | Kinneret sub-district, Hilagang Distrito, Israel | |
Itinatag | 20 (Huliyano) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 10.872 km2 (4.198 milya kuwadrado) | |
Populasyon (31 Disyembre 2018)[1] | ||
• Kabuuan | 44,200 | |
• Kapal | 4,100/km2 (11,000/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+02:00 | |
Websayt | http://www.tiberias.muni.il/ |
Isara
Nailagay ang Tiberias sa isang dakilang respeto sa Hudaismo simula noong kalagitnaan ng ikalawang siglo CE,[3] at simula noong ika-16 na siglo, tinuturing ito bilang isa sa Apat na Banal na Lungsod sa Hudaismo, kasama ang Jerusalem, Hebron at Safed.[4]